UMANI ng pagbati mula kay U.S. Ambassador to the Philippines Philip Goldberg at iba pang malalaking personalidad ang pagkakapasok ng Filipinas sa Category 1 rating ng Federal Aviation Administration (FAA) ng U.S. Department of Transportation.
Una rito, inianunsyo ng FAA ang pag-akyat ng kategorya ng Filipinas dahil sa pagtalima sa international safety standards na itinatakda sa International Civil Aviation Organization (ICAO).
Sinasabing isinagawa ng FAA ang pagsusuri sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) noong nakaraang buwan lamang.
Dahil dito, maaari nang magdagdag ng biyahe at serbisyo ang air carriers patungo sa Estados Unidos gamit ang pahintulot ng International Aviation Safety Assessment (IASA) na may Category 1 rating.
Nabatid na dati nang nabigyan ng good rating ang Filipinas noong 2008 ngunit nawala ito dahil sa ilang negatibong resulta ng mga pagsusuri.
(GLORIA GALUNO)