Saturday , November 23 2024

Pagkilala ng NDRRMC sa Bacoor tinanggap ni Mayor Strike Revilla

ISANG buwan makaraang pagkalooban ang lungsod ng Bacoor ng parangal na Seal of Good House Keeping ng Department of Interior and Local Government o DILG, isa pang pagkilala ang tinanggap ni Mayor Strike Revilla mula naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ito ay ang Bakas Parangal ng Kagitingan para sa natatanging kabayanihan na ipinamalas sa sambayanang Filipino matapos ang mga nagdaang bagyo at kalamidad.

Ipinagkaloob ang naturang gawad pagkilala kay Mayor Revilla sa Tanza Cavite sa isang seremonya na pinangunahan ni NDRRMC Region IV-A Chairperson Vicente Tomazar na dinaluhan naman ng halos lahat ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan sa buong rehiyon.

Ang pamahalaang lungsod ng Bacoor ay laging handa sa anomang kalamidad. Ang disaster response at pagtulong sa mga nasalanta at naapektohan ng kalamidad ang pangunahin namin tinututukan,” ayon kay Mayor Revilla.

Ang lungsod ng Bacoor ay isa sa tinatamaan ng matinding pagbaha tuwing may bagyo at malakas na mga pag-ulan bunga ng habagat at marami rin sa mga residente ang madalas na inililikas sa mga ligtas na lugar.

Gayonman, iginiit ng alkalde na dapat ay laging handa ang bawat isa sa panahon ng kalamidad at sa pagtutulungan ng mga residente at lokal na pamahalaan, mas nababawasan ang mga nabibiktima sa pagragasa ng bagyo, baha at iba pang insidente.

Kaugnay nito, ipinagmalaki ni Mayor Revilla ang pagtatatag nila sa Bacoor City ng isang komprehensibo at de-kalidad na Command Center na tumutugon sa pangangailangan ng lungsod sa mga emergency cases partikular sa panahon ng pananalasa ng kalamidad.

“Strike 24/7 ang aming Command Center sa Bacoor City. Mula sa disaster, emergency, flood management, traffic, sunog at iba pang mga pangyayari, lagi kaming handa para sa pangangailangan ng aming mga residente,” dagdag ni Mayor Revilla.

Ang Command Center ng Bacoor ay binubuo ng iba’t ibang tanggapan sa lungsod sa pangunguna ng Office of the Mayor, Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office o BDRRMO, kasama ang mga nasa Social Welfare Office, City Engineering, PNP, BFP at Public Information Office.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *