Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacman lalaban na

HALOS buong kinabukasan ni Manny Pacquiao ay nakasalalay sa magiging resulta ng laban niya kay Timothy Bradley sa darating na Linggo.

Ito ang nakataya sa pambansang kamao sa rematch nila ni Bradley dahil maging ang kabuhayan niya at pangarap sa politika ay magbabase sa resulta ng laban niya sa Las Vegas.

Maging ang malaking bahagi ng ibabayad ni Pacman sa malaking pagkakautang niya sa BIR ay nakasalalay sa darating na laban kaya’t lahat ay nakatunghay sa kahihinatnan ng sinasabing biggest fight sa buhay ng pambansang kamao dahil marami na rin ang nakapapansin na humihina na ang ating pambato sa boxing.

Kahit ang pangarap niya sa politika katulad ng pagse-senador sa line-up ni VP Jojo Binay ay nakasalalay rin sa labang darating kaya’t dapat niya itong pagbutihan.

Siyempre kapag convincing ang magiging panalo ni Pacman ay babango siyang muli sa mga Pinoy pero kapag tinalo siya nang bugbog-sarado, tiyak na babagsak lalo ang kanyang karerang politikal sa bansa.

Maging ang patol niya sa mga heavyweight ng lipunan ay nakabase rin sa kanyang tagumpay kaya’t dito masasabi na natin posibleng ito ang laban sa buhay ni Pacman.

Sa maikling salita, last pag-asa na ito ni Pacman para makabangon hindi lamang sa daigdig ng boxing kung hindi sa pangkalahatang aspeto ng kanyang buhay dahil dito siya huhusgahan ng tadhana.

Maikli na ang panahon para sa Pambansang Kamao kaya’t dapat niyang ituon ang kanyang buong lakas sa laban kay Bradley dahil kinabukasan niya bilang tao at  politiko ang tiyak na maglalaho kapag bumigay pa siya sa laban na ito.

Panahon ang kalaban ngayon ni Pacman kaya’t todo lakas ang dapat niyang ibuhos dahil marami ang nagsasabing palaos na ang ating Pambansang Kamao.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …