Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P50K dagdag ng ALAM sa pabuya vs killer ni Garcia (Patong sa ulo ng killer P150K na)

041114 alam justice rubie 2041114 alam justice rubie

NAGTIRIK ng kandila ang mga miyembro ng Alab ng Mamamahayag (ALAM), National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) at CAMPO bilang paghiling ng hustisya sa pagpaslang sa reporter na si Rubie Garcia, sa Imus Cathedral sa Imus, Cavite kahapon ng umaga.  (Mga kuha nina RAMON ESTABAYA at RIC ROLDAN)

MAGBIBIGAY  ng karagdagang P50,000 ang Alab ng Mamamahayag (ALAM) sa sino mang makapagtuturo sa mga responsable sa pagpatay sa reporter ng Remate tabloid na si Rubie Garcia.

Bunsod nito, aabot na sa P150,000 ang nakalaang pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip sa mga suspek sa krimen.

Ayon kay ALAM national chairman Jerry Yap, handang magbigay ang nasabing grupo ng dagdag sa reward money na ipinalabas nina Bacoor Mayor Strike Revilla at Cavite Gov. Jonvic Remulla para mahuli ang mga pumatay kay Garcia, 52-anyos, NPC regular member, Remate correspondent, at lider ng ALAM sa Cavite.

“Maliit na pera ang P50,000 pero sana’y makatulong ito para magkalakas-loob ang mga may nalalaman sa kaso.

“Ayaw na namin umasa sa pangakong Daang Matuwid ni Pres. Benigno Aquino III,” dagdag ni Yap. Lalo nga-yong sangkot umano ang isang colonel ng PNP, malamang pagtakpan na naman kung sino ang totoong may kasalanan. Matagal na kaming na-kikiusap sa gobyerno na imbestigahan ang mga salarin sa media killings pero walang nangyayari. Mas mabuti siguro, na tayo-tayo na lang ang magprotekta sa ating mga sarili. Walang silbi ang mga task force na nilikha ng Department of Justice (DoJ) at PNP.”

Matatandaan, pinagbabaril hanggang mapatay si Garcia sa loob ng kanyang bahay sa Bacoor, Cavite noong Linggo, Abril 6, dakong 9 a.m.

(KARLA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …