Friday , November 15 2024

Mga alamat tungkol sa regla (Totoo ba o hindi?) (Last part)

TINALAKAY namin ito para malaman ninyo kung alin ang totoo o hindi.

4. Alamat: Ang pag-inom ng beer ay magpapalakas sa daloy ng dugo

Ang dami ng dugong nawawala habang may regla ay nakadepende sa dami ng dugong nakaimbak sa nakalipas na dalawa hanggang tatlong linggo. Depende rin ito sa hormonal level ng babae. Hindi nakaiimpluwensya ang pag-inom ng beer o alin mang inuming may alkohol sa dami ng dugong dumadaloy kapag may regla.

Ang pinakalohikal na paliwanag dito, matapos uminom ng beer, nagkakaroon ng overall relaxation ang katawan at dahil ang uterus ay isang muscle, ang pag-relax ng uterine muscles ay maaaring humantong sa pagbukas pa ng cervix at marahil ay mas matinding pagdaloy ng dugo.

5. Alamat: Bawal makipagtalik kapag may regla

Siyempre naman, puwedeng makipag-sex ang sinumang babae anumang oras na gusto niya. Walang masamang makipagtalik kapag may dalaw o regla. Marumi nga lang, lalo na sa kobre-kama.

At dahil ang dugo ay may bacteria, ang magkatalik ay kailangang umihi matapos na mag-sex at maghugas din gamit ang antiseptic wash. Maaaring pumasok ang dugo at bacteria sa urethra habang nagtatalik at hahantong ito sa UTI. Ang pag-ihi matapos na makipagtalik ay makapipigil upang mangyari ito.

6. Alamat: Hindi magbubuntis kapag nakipagtalik na may regla

Iba-iba ang haba ng panahon ng menstrual cycle ng bawat babae. Kung kayo ang type ng babae na nireregla ng tatlo hanggang apat na araw, hindi ka nga mabubuntis habang ikaw ay may dalaw.

Subalit kung ang regla ay tumatagal ng 7 o labis na araw, marahil may spotting pa sa 10 hanggang 14 na araw, lumilitaw na delikadong magbuntis.

Ang fertile period ay nagsisimula sa ika-7 araw ng sikolo. Kahit may pagdaloy ng dugo, maaaring mag-release ng itlog ang obaryo. Kapag nakipagtalik sa ganitong panahon ay malamang na humantong sa pagbubuntis.

Marami pa ng mga alamt tungkol sa regla. Ang karamihan ay pawang supertitious belief na walang scientific evidence para paniwalaan.

Ang pinakamainam na payo: kapag may pagdududa, komunsulta sa isang doktor. (Wakas)

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *