Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapamilya Network, ‘di totoong inis kay Goma

ni  Alex Datu

PINABULAANAN ni Richard Gomez ang tsikang inis sa kanya ang Kapamilya Network dahil tinanggihan nito ang role na merman na ama ni Dyesebel at nanay naman si Dawn Zulueta.

“Hindi totoo ‘yun. Actually, in-offer nila sa akin ang role pero sabi nila mamamatay ako after three days. Sabi ko, ‘wag naman. Sabi ko, if there’s a better project, I’ll do it pero huwag naman ‘yung after three days wala na ako sa serye,” paliwanag nito.

Dagdag pa nito, “Sayang naman ‘yung pagka-Richard Gomez ko at saka ‘yung tandem namin ni Dawn Zulueta. Kailangan ingatan ‘yung pangalan namin. Hindi porke may project na in-offer, kuha ka nang kuha.”

Busy ngayon ang aktor sa kanyang volleyball team at katunayan, mayroon silang finals this week na gagawin sa Mall of Asia. Kung sa sports siya abala ngayon, balik naman sa TV show ang kanyang maybahay na si Congresswoman Lucy Torres-Gomez. Pinabulaanan din nito na hindi alangan sa pagiging TV host ngayon ng kanyang better-half dahil ito ang pampaalis nito ng stress at once a week lang naman ang taping na ginagawa.

Julianna, ‘di pa pwedeng ligawan

AT 13, malaking bulas ang kanilang unica hija nina Richard Gomez at Cong. Lucy Torres na si Julianna pero ayaw pa ng aktor na may manligaw dito.

“Naku, wala pa. Huwag muna, pero kung may manliligaw, dapat kasing bait ko. Eventually, it will happen pero huwag muna habang bata. ‘Pag medyo nakapagtapos na ng pag-aaral. Grade seven pa lang siya ngayon.”

Angel, Pinaka-pasadong Katuwang na Aktres ng mga Dalubguro

PINABULAANAN ni Angel Locsin na medyo disappointed siya sa pagtanggap ng Pinakapasadong Katuwang na Aktres mula sa Dalubguro na bumubuo ng Gawad Pasado.

Ang sabi, mula sa pagtanggap ng aktres ng mga parangal bilang Best Actress, sinasabing na-demote siya sa mababang kategorya.

“Sobrang happy ako kasi sabi ko, wala akong record na Best Supporting. Sabi ko, ‘di ko ini-expect na nagkaroon ako ngayon ng Best Supporting. So, I’m very happy, kasama ko pa rito ang mga sister ko sa ‘Four Sisters and A Wedding’. Very unusual naman na apat kami rito na may tig-iisang award. So, happy kami kasi lahat kami ay nanggaling sa isang pelikula.”

Naganap ang nasabing panayam sa nakaraang Gawad Pasado na ginanap sa FEU Auditorium na siya ay napasama sa ensemble award. Ang Pinakapasadong Katuwang na Aktres sa epektibo nitong pagganap sa Four Sisters And A Wedding ng Star Cinema. Marami-rami na rin ang natanggap nitong best actress awards pero ibang high ang dulot ng pagkapanalo nito ng best supporting actress.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …