Thursday , October 31 2024

Import ng TNT naospital

HINDI sigurado si coach Norman Black kung lalaro ang import niyang si Richard Howell ng Talk n Text mamaya kontra Globalport sa huling asignatura ng Tropang Texters sa eliminations ng PBA Commissioner’s Cup.

Sumakit ang balikat ni Howell dahil sa masama niyang bagsak dulot ng foul ni Paul Lee sa ikatlong quarter ng larong pinagwagihan ng Texters, 85-82.

Nasa ospital pa si Howell hanggang ngayon dahil sa kanyang tinamong injury  ngunit iginiit ni Black na hindi niya papalitan ang kanyang import.

Isang panalo na lang ang kailangan ng TNT upang walisin ang eliminations at nakakuha na nito ang top seed sa quarterfinals na may kasamang twice to beat advantage.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *