ni Roldan Castro
“Hindi totoo ‘yun. At saka medyo kinun-front ko nga siya (Dawn) tungkol doon. Bat ‘yan ang sinasabi mo, hindi naman ‘yan totoo? Pero parang sabi ko sa kanya na hindi na ako magsasalita tungkol doon pero kung ayaw mo akong magsalita, ayaw ko namang pumayag na magsinungaling ka, ‘di ba? Its either ‘wag mo na lang sabihin ‘yan ulit, ‘di ba? Parang hindi ko namang pinipilit na sabihin niya ang totoo pero ‘wag ding siyang magsinungaling,” bulalas niya.
Pero totoo bang ayaw niyang magpa-sexy si Dawn kaya hiniwalayan niya?
“Ano ako tatay? Hindi naman ako ang tatay niya, eh!,” tumatawa niyang sagot.
Pero mayroong mga selosong boyfriend.
“Buhay naman po niya ‘yun. Alam ko naman na pumapasok siya sa pag-aartista, kasama naman ‘yan. Kung ‘yan ang problem sa simula pa lang na nalaman ko na mag-aartista siya, hindi ko na dapat ginilfriend, ‘di ba? The movie were I met her, nagpa-sexy na rin siya, eh!So, kung iisipin mo, ba’t naman ‘yun ang magiging rason ng break-up,” sey pa niya.
Okey naman daw sila ni Dawn ngayon. Kamakailan ay gumimik sila kasama ‘yung director nila sa The Animals (movie na pinagsamahan nila noong araw at dun sila nagkakilala). Hindi naman daw sila nag-aaway o anything. Nagtanguan lang daw sila at nagkamustahan. Maayos naman daw kasi ‘yung paghihiwalay nila. Hindi raw sila bitter sa isa’t isa. Noong birthday pa nga raw ni Dawn ay binati niya ito sa text.
May bago ba siyang girlfriend ngayon?
“Bakal.ha!ha!ha! Gym lang,” tugon niya.
‘Yun na!