LUMIKHA ang Dutch designer ng damit na nagiging transparent kapag na-turned on ang nagsusuot nito sa kanyang ‘crush’.
Ang Intimacy 2.0 dress ay may nakatagong sensors na maaaring ma-detect ang body temperature at heart rate ng nagsusuot nito.
Kapag tumaas ang ‘response’ bunsod ng pagkabighani sa isang tao, ang damit ay nagiging ‘see-through,’ palatandaan na nakuha ang kanyang atensyon ng kanyang ‘crush’.
Binuo ni Designer Daan Roosegaarde ng Netherland-based Studio Roosegarde ang damit sa dalawang kulay, white cloth o black faux leather.
Ito ay may thin leather strips na may nakakabit na electronic foils sa paligid ng bust area.
Habang tumataas ang heart rate o temperatura, ang electronic foils ay nagbabago ng kulay, nagiging clear plastic.
Ayon sa company spokesman: “Social encounters determine the garments’ level of transparency, creating a sensual play of disclosure.”
Gayunman, ang smart technology ay posibleng magdulot din ng ‘unwanted consequences’ para sa magsusuot nito.
Ang iba pang emosyon, kabilang ang excitement, pagkatakot, pagkabahala, gayundin ang pagkapahiya, ay nagdudulot din ng pagtaas ng body temperature at heart rate.
(ORANGE QUIRKY NEWS)