ni Peter Ledesma
NGAYONG contract star na siya ng Regal Films na balita namin ay pumirma ng exclusive contract kay Mother Lily Monteverde, masusubukan kung talagang sikat nga si Derek Ramsay at isa talaga siya sa mga nagdala ng mga kumitang sexy film sa Viva Films na kanya na ngang nilayasan. Kasi kapag hindi nag-succeed si Derek, sa mga project na ibibigay sa kanya ni madera ay isa lang ang ibig sabihin, ‘yung leading ladies niya ang rason kung bakit tumatabo sa takilya ang kanilang film. Kasi ‘yung mga show na ginawa ng nasabing hunk actor sa TV 5, so-so lang ang ratings! Well, sana magtagumpay naman si Mother Lily sa pagkuha niya kay Derek at baka sakaling kahit paano ay makabawi naman siya sa mga luging pelikula na iniprodyus last year and this year. Mas sinuwerte kasi ang Chinese produ kapag nakikipagsosyo siya sa Star Cinema pero kapag solong produced niya ay flopsina ang bagsak.
I’m not lying gyud!
SHARLENE, JAIRUS AT FRANCIS, HANDOG SA “WANSAPANATAYM” VIEWERS ANG DOBLE SAYANG ENDING
Dobleng kasiyahan at kilig ang handog ng Kapamilya teen stars na sina Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, at Francis Magundayao sa TV viewers ngayong Sabado (Abril 12) sa huling episode ng “Wansapanataym” special nilang ‘Si Lulu at Si Lily Liit.’
Dahil sa pagdakip ni Dondie (Paul Salas) kay Lily (Sharlene), makikipagtulungan na si Lulu (ginagampanan din ni Sharlene) sa magkapatid na sina Harvey (Jairus) at Adrian (Francis) upang mailigtas ang kanyang kakambal. Pakawalan na kaya ni Dondie si Lily kapag naramdaman niya kung gaano kahalaga para rito ang kanyang pamilya at mga kaibigan? Sa huli, matutunan na kaya ng magkakapatid na sina Lulu at Lily, at Harvey at Adrian na tanggapin ang kanilang mga pagkakaiba at patawarin ang isa’t isa? Tampok din sa ‘Si Lulu at Si Lily Liit’ sina Desiree del Valle, Assunta de Rossi, John Lapus, Ron Morales, John Medina, JB Agustin, at Nikki Bagaporo. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direksyon ni Manny Palo. Huwag palampasin ang ‘doble-sayang ending’ ng month-long special nina Sharlene, Jairus, at Francis sa Best Development-Oriented Children’s Program ng 2014 Gandingan Awards, “Wansapanataym,” pagkatapos ng “Bet On Your Baby” sa ABS-CBN.
Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
GRAND WINNER SA BARANGAY BAYANIHAN PARA SA BUWAN NG MARSO, PINAGKALOOBAN NG SPORTS EQUIPMENT NG BULAGA
Tiyak na magbubunyi ang mga residente ng Brgy. Pinagtipunan sa General Trias Cavite lalo na sa mga kalalakihan at kababaihan na mahilig sa sports. Yes, dahil ang barangay nila ang napiling Grand winner sa “Barangay Bayanihan” para sa buwan ng Marso ay tumanggap sila ng Sports Equipment mula sa Eat Bulaga. Personal na ibinigay nina Dabarkads Tito Sen at Joey de Leon sa Broadway Studio kina Kagawad Marciano Cruzat (representative ng barangay) at Gina Cosimo na residente ng lugar. Narito ang mga premyong ipinagkaloob sa kanila ng Bulaga na halos kokompleto na sa iba’t ibang laro tulad ng Mega Phone, Table Tennis, Raketa, Bola, Street Light Solar, ilang set ng bola para sa Volleyball at Basketball at Dart Board. Ang nasabing barangay ang napiling winner ng EB Dabarkads dahil sila ang pumasa sa panlasa nila bilang pinakamalinis, maayos, tahimik at nagkakaisa ang bawat mga residente rito.