NAGAWA ng 5-anyos Californian
boy na ma-hack ang Xbox secu
rity system.
Si Kristoffer Von Hassel, mula sa San Diego, ay pinuri ng Microsoft makaraan ma-hack ang Xbox Live account ng kanyang ama nang hindi ginagamit ang tamang password.
Nang lumabas ang login screen, walang ginawa si Kristoffer kundi pindutin nang ilang beses ang space button.
Sa pamamagitan nito, nagawa niyang makapasok sa back door nang hindi na kailangan pa ng password.
Hangang-hanga ang ama ng paslit na si Robert Davies, nagtatrabaho sa computer security, na ini-record ang video ng proseso at ipinadala sa Microsoft.
Mabilis na inayos ng security team ng Microsoft ang bug at inilagay ang pangalan ni Kristoffer sa Xbox website, at inilista bilang “security researcher”.
Nang makita ang kanyang pangalan sa online, sinabi ni Kristoffer: “I’m gonna be famous!”
Hindi ito ang unang pagkakataon na namaniobra niya ang teknolohiya. Noong siya ay isang taon gulang pa lamang, na-unlock niya ang cellphone ng kanyang ama sa pamamagitan ng pagpindot sa ‘Home’ button.
(ORANGE QUIRKY NEWS)