TINALAKAY namin ito para malaman ninyo kung alin ang totoo o hindi.
1. Alamat: Masamang maligo kapag may regla
Tulad ng alin mang body fluid, ang dugo—kasama ang ihi, pawis at laway— ay mayroong bacteria. Ang hindi sapat na paghuhugas at pagpaligo sa panahon na mayroong dalaw ay maaaring humantong sa vaginal infection at maging ang UTI, o urinary tract infection.
2. Alamat: Pagpahid sa mukha ng dugong mula sa unang regla ay makapipigil sa pagkakaroon ng tagihawat
Eww! Nakadidiri na nga iyong pagda-loy ng dugo mula sa vagina kaya ang paglalagay o pagpahid ng regla sa mukha ay mas lalong nakasusuka!
Ang sanhi ng acne (an-an) ay overactivity ng oil glands na pangkaraniwan sa panahon ng pagdadalaga ( o pagbibinata). Ang dumaraming amount ng langis sa balat ay kadalasan humahantong sa pagkakaroon ng tagihawat lalo na kung marumi at tuyot ang balat at nahaluan pa ng bacteria.
Ang dugo ay culture media para sa bacteria kaya ang pagpahid nito sa mukha ay maaaring makapagpalala o makapagparami ng mga tagihawat.
3. Alamat: Umiwas sa pag-eehersisyo o pagbubuhat ng mabigat kapag may regla
Habang nireregla, mas lalong bumubukas ang cervix at mas relax din ang mga uterine ligament para mas dumaloy pa ang menstrual flow. Ang mga extra exertion tulad ng jogging, pagbubuhat ng weights, pagpanik-panaog sa hagdan ay nagpapatindi sa blood loss. Maaaring huminto ang ganitong mga aktibidad sa prolapse ng uterus o ‘pagbaba ng matris.’
(Tatapusin bukas)
Kinalap ni Tracy Cabrera