Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Taulava mananatili sa Air21

SINIGURADO ng ahente ni Asi Taulava na si Sheryl Reyes na ang Air21 ay magiging huling koponan ng beteranong sentro sa kanyang paglalaro sa PBA.

Tatagal hanggang Agosto ng taong ito ang kontrata ni Taulava sa Express ngunit umaasa si Reyes na pipirma ang kanyang alaga ng bagong tatlong taong kontrata.

“Wala eh (feelers ngayon). Air 21 pa rin kami. And we’re happy how he is being treated there,” wika ni Reyes na ahente rin ng ilang mga imports sa PBA Commissioner’s Cup.

“Yung contract negotiation namin dito is long term, three years. Saka may plan for him ang Lina Group of Companies when he retires. We’re looking at security of tenure.”

Nakuha ng Air21 si Taulava mula sa Meralco noong isang taon pagkatapos na nanalo siya bilang MVP ng ASEAN Basketball League para sa San Miguel Beer.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NCRAA Pato Gregorio Buddy Encarnado

DLSU-Dasmariñas, U-Luzon panalo sa pagbubukas ng NCRAA Season 32

DASMARIÑAS, CAVITE — MAGKASALO sa spotlight ang DLSU-Dasmariñas at University of Luzon matapos kapwa magwagi …

PSC BCDA John Hay Sports Center Baguio

PSC, BCDA nagtulungan upang gawing pangunahing sentro ng sports tourism ang John Hay sa Baguio

BAGUIO CITY — ISANG bagong yugto sa pag-unlad ng palakasan sa Pilipinas ang nagsimula sa …

Sam Kerr Football

Sa AFC Women’s Asian Cup
Matildas tinalo ang Filipinas sa goal ni Kerr

Burswood, Perth — ANG nagbabalik na star striker na si Sam Kerr ang umiskor ng …

Arbois Hallasgo Tokyo Marathon

Arbois, Hallasgo kumikig sa Tokyo Marathon; SEA Games record binura

MISTULANG patunay sa matikas na pagbabago ang pamosong Tokyo Marathon nang kapwa umukit ng gintong …

AFC Womens Asian Cup 2026

Filipinas vs. Australia: Pambungad na Laban sa AFC Women’s Asian Cup 2026

PERTH, Australia — NAKASANAYAN na ng Philippine national women’s football team ang maaraw, maaliwalas, at …