NAPAPANAHON na maimbestigahan ni Deputy Commissioner Jessie Dellosa o ni Commissioner John P. Sevilla ang isang ex-customs police officer na may bansag na ‘KBL’ sa Bureau of Customs sa umano’y pagiging kontak ng kriminal gang ng Japan na Yakuza mobster.
Si KBL customs officer ang umano’y naging conduit ng Yakuza para i-entertain (wining, womening, and dining, all in the house) para sa isang official din ng Bureau nang ang huli ay maimbitahan kasama ang ilan pang Bureau officials upang mag-training sa pamamagitan ng Japanese International Coordinating Agency (JICA) nang one week, na regular na ginagawa ng JICA to transfer technology sa B0C.
Tila naging iba ang paniwala ng isang opisyal na PNoy appointee pa naman. Pagdating ng B0C delegation sa Tokyo, ang opisyal na nasabi “missing in action” agad at “could not be accounted for.”
Ang nangyari pala, from the airport, kinaon na ng isang limousine na umano, was provided by the Yakuza, na isa sa mga sumalubong sa airport sa opisyal kasama pa ang isang junior officer niya, and started to paint the city red.
Alam naman natin kung mag-entertain ang Yakuza, isang deadly crimincal gang na may mga member sa Pinas na ang iba ay inaaalagaan ng mga taga-Immigration at mga pulis, kasama na rito iyong mga nakadestino sa mga airport ntin.
Wala naman kontak si PNoy appointee, kaya ‘yun palang si ‘KBL’ customs officer ang nag-arrange everything. Kaya naman hindi puwedengg mawala sa kanyang pwesto si KBL. Matagal na palang si KBL officer ay konek sa mga Yakuza na notorious sa women at drugs trafficking.
Siya pala ay nadestino na noon pa sa NAIA-Customs. Marami rin mga taga-Immigration noon na may konek sa Yakuza.
Ano ang malay natin na si ‘KBL’ ay nagbebenta (hindi ng aliw) kundi ng protection sa kanyang mga Yakuza friend in exchange for protection money.
Hindi ito dapat palampasin nina Commissioner Sevilla at Dellosa. Isa itong malaking batik sa kanilang leadership. Isipin na lang na Yakuza ang nag-sponsor ng trip ni PNoy appointee. Dahil sa galit o inis ng JICA, pinauwi ng una si PNoy appointee at isa pang aide niya.
Nag-START na ang imbestigasyon nitong linggong ito. Sana naman hindi magkaroon ng cover-up. Sawang-sawa na si Huwan Pasang Krus sa mga investigation na walang kinahahantungan.
Arnold Atadero