Ipagdiriwang ni Pope Francis ang Mass of the Lord’s Supper ngayon Huwebes Santo sa isang residential rehabilitation center para sa mga may kapansanan sa Roma.
Matatandaang noong nakalipas na taon, ipinagdiwang ng Santo Papa ang Misa ng Huling Hapunan sa isang juvenile detention facility at kanyang hinugasan ang mga paa ng ilang preso kasama ang isang babaeng Muslim.
Sa Misa ng Huling Hapunan, inaalala ang pagtatatag ni Hesus ng eukaristia at ang ipinakita Niyang halimbawa ng paglilingkod sa kapwa nang hugasan Niya ang mga paa ng kani-yang mga apostol.
Dahil dito, muling aalis ng Vatican City si Pope Francis para magtungo sa St. Mary Providence Centre na mayroong hindi bababa sa 150 pasyente na pawang may mga kapansanan.
Nakagawian ni Pope Francis mula noong Arsobispo siya sa Buenos Aires, Argentina na ipagdiwang ang Misa ng Huwebes Santo kasama ang mga itinuturing na ‘marginalized.’ Sa umaga ng Huwebes Santo, ipagdiriwang din ng Santo Papa bilang Obispo ng Roma ang Misa ng Krisma sa St. Peter’s Basilica.