Tuesday , December 24 2024

Prinsipyong lesser evil

AYON sa Wikipedia, ang prinsipyong lesser of two evils (o prinsipyong lesser evil) ay pagkakaroon ng dalawang hindi magagandang choice na kapag kinailangang pamilian ay nanaisin ang hindi ka-sing sama ng isa pa.

Sa mundo ng smuggling, nahaharap ang Bureau of Customs (BoC) sa dalawang uri ng kasamaan: teknikal at garapalang smuggling, na ang una ay hindi kasing tindi ng huli.

Walang kasing-sama ang garapalang smuggling dahil ang pag-i-import at pag-e-export ng mga kargamento ay ginagawa nang walang customs clearance kaya naman 100 porsiyentong nakaiiwas sa mga buwis at iba pang bayarin.

Samantala, ang technical smuggling ay maituturing na lesser evil dahil dumaraan ang mga kargamento sa Customs, at binabayaran ang buwis nito, pero mali ang pagdedeklara sa kargamento, sinadyang tapyasan ang aktuwal na halaga para kakaunti ang babayaran at mara-ming iba pang pandaraya.

Dahil dito, dapat na tutukan ng Department of Finance at ng mga ahensiya nito—ang BoC at Bureau of Internal Revenue (BIR)—ang “pure evil” upang matigil na ang pandaraya nito sa publiko at sa gobyerno. Pero hindi ito nanga-ngahulugan na babalewalain na lang ng awtoridad ang “the lesser evil” na itinuturing ng ilan na “necessary evil.”

Isang malinaw na halimbawa ang “pure evil” na umiiral sa Zambales.

Sinabi ng aking mga espiya na isang fuel tanker ang nakalublob sa dagat sa pagitan ng mga bayan ng Sta. Cruz at Candelaria. Maglalayag ang isang dayuhang tanker para magkarga ng krudo sa nakalubog na tanker, at ang mga diver na kasama ang magkakabit ng tubo.

Kapag umalis na ang foreign vessel, isa namang local tanker ang lalapit. Ikakabit ng mga diver ang kani-kanilang suction pipes upang higupin ang krudo. Hihimpil naman ang barko sa Masinloc port, o sa kahit na aling daungan na walang nakabantay mula sa BoC, upang magdiskarga ng krudo.

Sakali man na sitahin ang kargamento, sinasabi ng kapitan ng barko na ang krudo ay nagmula sa Batangas o sa iba pang probinsiya. Pagkatapos, ito ang ibebenta sa lokal na merkado sa napakamurang halaga kompara sa aktuwal na presyohan nito.

Madali na para sa BoC at BIR ang tuntunin ang puno’t dulo ng korupsiyon na magtuturo sa mga opisyal ng ilang munisipalidad at ilan mula sa pamahalaang panlalawigan. Sino-sino sila? Open secret na ito sa Zambales.

***

Noong Huwebes, idinetalye ng Bluemax Tradelink, Inc. ang panig nito sa kontrobersiya sa illegal mining sa Zambales, nangatwirang lahar sand lang ang hinuhukay ng kompanya at hindi nagmimina ng black sand.

Kinompirma ng mga source na hinahakot ng kompanya ang lahar sand mula sa Bucao River, gayundin sa bayan ng Botolan. Pero, anila, pinadaraan ang lahar sand sa spiral separator na naghihiwalay sa black sand gamit ang magnet.

Pagkatapos ay isasakay ang kargamento sa Panamax carrier, na tinatawag din na Handymax bulker na may bigat na 50,000 tonelada. Sa huli, ang lahar sand ay ginagamit sa isang reclamation project sa Singapore. Ang black sand naman ay kinukuha umano ng subsidiary ng Tricor company na Sea Wind Group Limited na may kontrata sa Bluemax.

Samantala ang Chahaya Shipping and Trading company, na sinasabing may-ari sa mga barko, ay nakakontrata para bumili ng buhangin sa Tricor.

Totoong may karapatan ang Bluemax na mag-operate sa bisa ng pahintulot ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane, Jr., Pero iginigiit ng ilang dating local official at mga residente na ang nasabing operasyon ay dapat na may Environmental Compliance Certificate (ECC) mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at hindi basta permit lang mula sa provincial government. Anila, required nga rin daw ang barangay permit, e.

Kapag nakarating ito sa kaalaman ni DENR Secretary Ramon Paje, ano kaya sa tingin n’yo ang gagawin niya?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *