ni Roldan Castro
WANTED sa media ang tumatayong First Lady ng Quezon City na si Tates Gana (ina ng dalawang anak ni Mayor Herbert Bautista) sa pagkompirma ni Kris Aquino sa relasyon nila ni Bistek.
Si Tates ang long time girlfriend ng comedian/politician na kauuwi lang galing sa Boracay kasama ang mga anak kaya hindi siya mahagilap ng press.
Huling text ni Ma’am Tates kung ano ang statement niya sa KRISTEK isyu. “Wala na lang muna friend. Inaalalaayan ko ang mga anak ko. Thank you.”
Ang mga anak nila ay si Athena na sumalang na rin sa pelikulang Sitio Camcam at si Harvey na mainstay ng Goin’ Bulilit ng ABS-CBN 2.
‘Pag dinadalaw si Ma’am Tates ng mga kaibigan niya sa bahay at kinukumusta ang isinasagot lang niya ay “I’m fine”.
Mababasa rin sa Facebook Account niya ang, “So don’t waste your time…’ at pag-share ng Aunty Acid’s Photo na ang nakalagay ay,
“There’s no need for REVENGE. Just sit back and wait. Those who hurt you will eventually screw up themselves and, if you’re LUCKY, GOD will always let you watch”.
Talbog!