IYAN na nga ba ang sinasabi ko maging ng ilang kasamahan sa hanapbuhay.
Akalain ninyo, pinag-uusapan lang namin na sana ay makamit agad ni Ruby Garcia, ang pinatay na reporter ng Remate, ang katarungan pero ano itong ipinakita ng PNP.
Nag-aaprura ang PNP na malutas agad pero palpak naman. Pero ano pa man, salamat sa effort na ipinakikita ng PNP.
Ilang araw matapos ang krimen, isa sa sinasabing gunman ni Garcia ay naaresto – nadakip ito sa isang buy bust operation ngunit, ano ito? Isa palang fall guy ang sinasabi nilang suspek at ipinalulusot na kamukha daw siya ng suspek.
Yes lumalabas na fall guy ang suspek makaraang hindi ito kilalanin ng saksing anak ni Ruby. Tanging anak ni Ruby ang makakikilala sa suspek dahil pinatay sa harap niya ang suspek.
Tulad ng nabanggit, salamat sa ipinakikitang effort ng PNP pero huwag naman sana basta-bastang dumampot ng kung sino-sino para lang masabing may accomplishment.
Kawawa naman ang mga nadadampot dahil kahit na palalayain sila kapag hindi positibong kilalanin ng saksi ay nakakaladkad na sila sa kahihiyan. Kaya sana naman bago dumampot ng tao o sinasabing suspek ang awtoridad ay alamin mabuti ng PNP ang kanilang impormasyon.
Mabuti na lamang at anak mismo ng biktima ang saksi kundi – oo baka kung iba ang saksi ay may posibilidad na ipipilit na ipaturo sa saksi ang naaresto na siya ang gunman para lamang ma-sabing tapos o lutas na ang krimen.
Hindi tayo galit sa PNP, katunayan nga ay nagpapasalamat tayo sa kanilang ginagawa nga-yon – ang lutasin agad ang pagpaslang kay Garcia pero sana naman huwag fall guy ang arestohin at huwag nang ipilit na kamukha kasi ng gunman kaya inaresto.
***
Sa ngalan naman ng Quezon City Police District Press Corps, bilang pangulo ng samahan, aming kinokondena ang pagpaslang sa aming kapatid sa hanapbuhay. Dalangin namin na sana’y makamit agad ng pamilya ni Ruby ang kataru-ngan.
Bukod dito, nakikiramay din ang pamilyang QCPD Press Corps sa mga iniwan ni Ruby.
Batid namin, masakit ang mawalan ng ina, kapatid, kaibigan pero naniniwala kaming may pla-no ang Diyos sa bawat indibidwal, ‘ika nga.
***
Semana Santa na…bakasyon na…siyempre, karamihan ay magtutungo sa beach. Wow swimming lamang, ang bakasyon ay sinasamantala naman ng mga kawatan. Salakay dito at salakay doon ang kanilang ginagawa kaya ang QCPD ay nagpalabas ng ilang tips para sa mga nagnanais magbakasyon sa susunod na linggo.
Abangan sa susunod ang mga tips ng QCPD para hindi tayo mabiktima ng mga kawatan.
Almar Danguilan