Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gomez kapit sa ikatlong puwesto

PUMITAS ng kalahating puntos si Pinoy GM John Paul Gomez kay super GM Sergei Tiviakov upang palakasin ang tsansa na makuha ang titulo sa nagaganap na DYTM Raja Nazrin Shah KL International Open Chess Championships 2014 sa Malaysia kahapon.

Kumulekta si No. 3 seed Gomez (elo 2524) ng 4.5 points matapos makipaghatian ng puntos kay tournament top seed Tiviakov (elo 2651) ng the Netherlands sa 14 moves ng French sa round six.

“Maganda ang tsansa natin dahil nakalaban ko na ‘yung top seed (Tiviakov) although malalakas pa rin ang makakalaban natin sa mga susunod na rounds,” ani Gomez.

May limang puntos si Tiviakov at kasalo nito sa top spot si IM Moulthun Ly (elo 2440) ng Australia matapos kaldagin si IM Huynh Minh Huy Nguyen (elo 2474) ng Vietnam.

Nauwi rin sa draw ang laban ni Pinoy woodpusher GM Richard Bitoon (elo 2414) kay GM Niaz Murshed (elo 2464) ng Bangladesh upang ilista ang kaparehong puntos ni Gomez at samahan sa third to eight place sa event na ipinatutupad ang nine rounds swiss system.

“May tatlo pang rounds sana maka-2.5 points ako para malaki ang pag-asa natin,” Wika ni Bitoon.

Bago ang sixth round nakaharap muna nina Gomez at Bitoon sina GMs Nguyen Anh Dung (elo 2453) ng Vietnam at Venkatesh M.R. (elo 2515) ng India ayon sa pagkakasunod.

Habang solo sa unahan si Tiviakov matapos ang round five nang pagpagin nito si  GM R.R. Laxman (elo 2449) ng India sa 34 moves ng Bishop Opening.

Nakalikom naman ng four points si Haridas Pascua (elo 2375) matapos mauwi sa draw ang laban kontra kay GM Das Neelotpal (elo 2428) ng India. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …