PATULOY na paiinitin ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang summer season sa pamamagitan ng Ginuman Fest—ang pinaka-inaabangan at sobrang matagumpay na concert series ng brand, na kasalukuyang nililibot ang buong bansa kasama ang mga brand ambassador nito na kinabibilangan ng ilan sa pinaka-maiinit, pinaka-influential, at pinaka-talentadong mga artista ng industriya ngayon.
Ngayong ikatlong taon, patuloy ang Ginuman Fest sa pagbibigay kasiyahan sa lahat ng mga loyal at solid na “kalahi”sa buong bansa. Bawat leg ng series na ito ay hitik at punompuno ng mataas na kalidad ng musika mula sa mga brand ambassador na inaasahang umawit ng kanilang mga greatest hits, hottest chart-toppers ngayon, standard favorites, at party anthems.
Bukod sa musical extravaganza na inaalay ng Ginuman Fest, isa rin itong game show na maraming mapapanalunan ang mga ka-barangay sa bawat leg. May inuman, kainan, at mga “side-games” na tiyak papatok sa mga kabarangay.
Ang Ginuman Fest ay ang munting paraan ng GSMI upang pasalamatan ang milyon-milyong mga kalahi na siyang dahilan ng pagiging no. 1 gin sa buong mundo.
Maaari ring subukan at bilhin ng mga concertgoer sa mga Ginuman Fest venues ang iba pang mga GSMI products gaya ng GSM Blue, GSM Blue Flavors, Ginebra San Miguel Premium Gin, Gran Matador Brandy at Antonov Vodka.
Inaasahan ding matataob ng Ginuman Fest 2014 ang kamangha-manghang bilang ng mga tao na dumalo at nakisaya noong nakaraang taon na lumampas sa isang milyon sa buong run ng concert series sa buong bansa.
Ngayong Abril, bumisita ang Ginuman Fest sa Tagudin, Ilocos Sur (Abril 4) na inawit ng Rocksteddy at The Itchyworms ang kanilang greatest hits at sa Cauayan, Isabela (Abril 5) na nakipagsanib puwersa ang mga rock band na Kenyo at Banda Ni Kleggy kay Sample King Jhong Hilario sa pag-power ng venue ng powerful music at sizzling hot dance numbers.
Patuloy ang Ginuman Fest sa pag-invade ng Northern Philippines ngayong buwan as rock band Callalily along with Banda Ni Kleggy set the stage at San Jose, Nueva Ecija on fire sa Abril 11 habang ang certified OPM hit-makers at multi-platinum band na The Itchyworms at ang pop-rock band na Kenyo ay inaasahan namang paliligayahin ang Bayambang, Pangasinan with their chart-topping hits sa Abril 12.
Naka-schedule ang iba pang legs ng Ginuman Fest sa Mayo 17 (Bayombong, Nueva Vizcaya), Mayo 24 (Baliuag, Bulacan), Hunyo 14 (Tuguegarao, Cagayan Valley), Hunyo 19 (Daet, Camarines Norte), at Hunyo 21 (San Juan, Metro Manila).
Ang Ginuman Fest 2014 ay isinagawa ng GSMI upang pasalamatan ang mga milyon-milyong mga kalahi na tumatangkilik sa Ginebra San Miguel bilang pinakamabiling gin sa buong mundo. Tumanggap ang Ginebra San Miguel ng ika-anim na Gold Quality Medal at pangalawang International High Quality Trophy ng Monde World Selection noong nakaraang taon. Napanatili rin ng Ginebra ang pagiging no. 1 gin sa buong mundo ayon sa Drinks International.