Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Expansion teams huhusgahan ng PBA ngayon

MALALAMAN ngayong tanghali kung magkakaroon na nga ba ng 13 na koponan ang Philippine Basketball Association sa ika-40 na season na magsisimula sa Oktubre ng taong ito.

May espesyal na pulong mamaya ang PBA board of governors sa opisina ng liga sa Libis, Lungsod ng Quezon, upang talakayin ang pagpasok sa liga ng tatlong bagong kompanya — ang North Luzon Expressway, Blackwater Sports at KIA Motors.

Lahat ng mga miyembro ng PBA board sa pangunguna ng tserman na si Ramon Segismundo ang magtatanong sa mga kinatawan ng tatlong kompanya upang alamin kung kaya ba nila na gumastos nang malaki para magtatag ng malakas na koponan sa PBA.

Kapag nakapasok ang tatlo, kailangan silang magbayad ng P100 milyon bilang franchise fee at isa pang P100 milyon bilang performance bond para manatili sa liga sa loob ng kahit limang taon.

Angat nang kaunti ang NLEX at Blackwater dahil parehong kasali sila sa PBA D League at kung papasok silang tatlo ay balak nilang mag-akyat ng tig-limang mga manlalaro sa PBA.

“We’re confident about entering the PBA. Our track record speaks for itself,” wika ni Road Warriors team manager Ronald Dulatre tungkol sa NLEX na may limang titulo sa D League.

“Being in the PBA is a long-time dream. Anlapit ko na sa pangarap ko na ‘yun.  I believe that PBA is the best marketing tool to promote my products,” ani Dioceldo Sy ng Blackwater na dating tserman ng Philippine Basketball  League.

Ang KIA naman ay walang karanasan sa sports maliban sa pagiging sponsor ng NBA at Australian Open Tennis.

“Kia wants its distributors to focus on sports and what’s the best way of getting involved in sports here in the Philippines than through the PBA,” sambit ng pangulo ng Columbian Motors na si Ginia Domingo.

Kailangan ng tig-walong boto mula sa mga miyembro ng lupon ang tatlo para makasali na sila sa PBA sa susunod na season.

Inirekomenda na ni PBA Commissioner Chito Salud ang pagpasok ng tatlo pagkatapos na pag-aralan niya nang mabuti ang mga letters of intent at financial statements na isinumite nila.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …