Tuesday , December 24 2024

Cavite-PNP sablay sa Rubie slay suspect

041014 pnp cavite remulla

IPINAKIKITA ni PNP Cavite Provincial Director, Sr. Supt. Joselito Teodoro Esquivel, Jr., kay Cavite Governor Jonvic Remulla ang cartographic sketch ng isa sa mga itinuturong gunman sa pagpatay kay Remate reporter Rubie Garcia, sa PNP Cavite Provincial Headquarters sa Imus, Cavite. (JERRY SABINO)

DINAKIP ng mga awtoridad sa Cavite ang isang lalaki kaugnay sa pagbaril at pagpatay sa mamamahayag na si Rubylita Garcia, ngunit nang iharap ang suspek sa mga kaanak ng biktima, sinabi nilang hindi iyon ang pumaslang kay Garcia.

Nauna rito, inaresto ng Cavite police ang 23-anyos na si Aaron Cruz, inakalang pumatay kay Garcia, correspondent ng pahayagang Remate.

Ngunit mismong anak ni Garcia ang nagsabing hindi si Cruz ang pumatay sa kanilang ina.

Naglabas na ng bagong artist sketch ng suspek ang mga awtoridad.

Bunsod nito, tuloy ang manhunt operation para matunton ang suspek at ang mastermind sa krimen.

Si Garcia ay binaril ng hindi nakilalang suspek sa kanyang bahay sa Bacoor, Cavite nitong nakaraang linggo.

(LANI CUNANAN)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *