Thursday , November 14 2024

Canaleta puwede pa sa Slam Dunk

MUKHANG hindi na pupuntiryahin pa ni Nino Canaleta ang korona bilang Three-Point shootout King sa taunang PBA All-Star Weekend. Hindi nga siya nakasali sa competition na ginanap noong nakaraang Biyernes.

Pangarao umano ni Canaleta na makuha ang korona sa event na ito matapos namamayagpag nang tatlong taon sa Slam Dunk competition.

Pero hindi na siya nabigyan ng pagkakataon lalo na ngayong nalipat pa siya sa Talk N Text buhat sa Air 21 Express.

Natural na bago siya makunsiderang ilahok sa three-point shootout, aba’y nandiyan na sina Jimmy Alapag at Larry Fonacier.  Malabo nang maging representattive siya ng Tropang Texters.

Kaya  dapat sigurong kalimutan na muna niya ang Three-point shootout.

At puwedeng pagtuunan niya ng pansin ang muling pamamayagpag sa Slam Dunk Event.

Hndi siya lumahok noong nakaraang taon kung saan ang event na ito ay dinomina ni Chris Ellis ng Barangay Ginebra.

Hindi ulit siya sumali ngayong taong ito bagama’t puwede naman niyang katawanin ang Talk N Text.

Hindi naipagtanggol ni Ellis ang kanyang korona at sa halip ay dalawang manlalaro ang naghati sa karangalan bilang Slam Dunk Champions.

Ito’y sina Rey Guevarra ng Meralco Bolts at Justin Melton ng San Mig Coffee.

Well, mukhang makapagbibigay naman kung sakali ng magandang laban si Canaleta kontra sa dalawang ito sakaling muli siyang lalahok sa Slam Dunk event next year.

Alam naman ng lahat ang kalibre ni Nino  sa tatlong sunod na taon niyang pinanganga ang kalaban pati na ang mga manonood.

Hindi pa naman matanda si Nino at kaya pa rin niyang tumalon at dumakdak.

Abangan natin kung magbabalik siya sa Slam Dunk event sa isang taon!

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *