Friday , November 15 2024

79-anyos lola pinatay anak, 2 apo arestado (Napagkamalan na aswang)

041014_FRONT

ZAMBOANGA CITY – Huli sa follow-up operation ng pulisya ang isang babae at dalawa niyang anak na lalaki makaraan pagtulungan tagain hanggang mapatay ang 79-anyos sariling ina sa Brgy. Moraji, Josefina, Zamboanga del Sur.

Ayon sa ulat mula sa Josefina Municipal police station, binisita ng biktima na si Helaria Montepon Gumilid ang kanyang apo na may problema sa pag-iisip.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, habang nasa bahay ng kanyang apo ang lola, dumating ang mag-iina na kinilalang si Myrna Damason Gumilid, 49, at ang kanyang dalawang anak na sina Rene Boy Damason Gumilid, 28, at si Joseph Damason Gumilid, 23.

Makalipas ang ilang saglit, nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan sa hindi pa malinaw na dahilan.

Sa puntong ito, pinagtulungang tagain ng mag-iina ang lola na naputol pa ang braso.

Agad tumakas ang mga suspek ngunit nahuli rin makalipas ang ilang oras.

Samantala, base sa ibang impormasyon na nakuha mula sa lugar, napagkamalan aswang ang lola na nagresulta sa madugong krimen ngunit hindi ito kinompirma ng pulisya.

Kasalukuyang naka-deteni sa selda ng Josefina Municipal police station ang mag-iina na nahaharap sa kasong murder.

ni KARLA OROZCO

Kariton sinalpok ng SUV
MAG-ASAWANG SEPTUAGENARIAN DEDO, APO SUGATAN

NALAGUTAN ng hini-nga ang mag-asawang matanda habang sugatan ang kanilang apo makaraan salpukin ng sports utility vehicle (SUV) ang tinutulugan nilang kariton kahapon sa Pamplona, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktimang namatay na sina Abraham at Librada Sta. Rosa, kapwa 72-anyos, parehong vendor.

Samantala, ginagamot sa Bicol Medical Center ang apo nilang si Christian Sta. Rosa, 22-anyos.

Kusang loob na sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Jay Buenavente, nasa hustong gulang, driver ng Nissan Frontier at residente ng Tigaon sa na-sabing probinsya.

Base sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office (PPO), naganap ang insidente dakong 3:50 a.m. sa Maharlika Highway sakop ng Sitio San Vicente, Brgy. San Gabriel ng nasabing bayan.

Binabaybay ng suspek ang naturang lugar, nang mawalan siya ng kontrol sa manibela at nasalpok ang kariton habang natutulog ang mga biktima.

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *