Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

19-anyos nalunod (Inanod na tsinelas hinabol)

CEBU CITY – Nalunod ang 19-anyos lalaki nang habulin ang tsinelas na tinangay ng malakas na alon.

Kinilala ang biktimang si Jason Maloloy-on.

Ayon sa Lapu-Lapu City Homicide Section, batay sa spot report ni PO3 John Carlo Jocutan, kahapon ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa ilalim ng Marcelo Fernan Bridge na nagdudugtong sa Cebu at Mactan Island.

Kamakalawa, umalis ng bahay ang biktima kasama  ang mga kaibi-gan at nagpaalam na maliligo sa dagat.

Habang masayang naliligo ang magbarkada ay inanod ang tsinelas ng biktima kaya kanyang hi-nabol.

Hindi namalayan ng mga kasamahan na ang biktima ay pumunta na sa malayong bahagi ng Mactan Channel.

Pagsapit ng dilim, hinanap nila si Maloloy-on ngunit hindi na nila natagpuan sa lugar.

Kinaumagahan, nakita na lamang na wala nang buhay at palutang-lutang sa dagat ang katawan ng biktima. (HNT)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …