Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Selena Gomez lulong pa rin kay Justin Bieber

HINDI pa rin maiwasan ni Selena Gomez ang ‘charm’ ni  Justin Bieber.

On-and-off ang bituin ng Spring Breakers at 20-taong gulang na bad boy simula ng 2010, subalit natsitsismis na muli na naman silang nagdi-date matapos na mag-post si Justin ng video na kung saan nagsasayaw ang dalawa sa saliw ng John Legend sa Instagram.

Kamakailan ay nagkaroon ng ilang problema sa batas si Bieber, kabilang na ang pagkakaaresto niya sa Miami at sanhi ng pinsalang umaabot sa US$20,000 sa taha-nan ng kanyang kapitbahay.

Napagalaman din na nagpa-rehab ng dalawang linggo si Selena para maresolba ang ilang personal na isyu, habang isinisisi naman ito ng ilan sa magulong relasyon niya kay Justin.

“Nahulog si Selena sa ‘charm’ ni Justin at muli na naman silang hindi mapaghihiwalay,” pagbubulgar ng isang source sa British magazine na Star.

“Kahit hindi sila magkasama ay nagte-text sila at nagtatawagan, pero naging brutal ang mga kaibigan ni Selena sa kanilang mga opinion,” dagdag nito.

“They’ve told her in no uncertain terms that they think she should keep well away from Justin – they all think he’s bad news.”

Ang isa sa mga kumokontra sa pagsasamang muli ng dalawa ay ang 24-anyos na pop star Taylor Swift.

Gayun pa man, sa kabila ng mga tsismis na nagbalikan nga ang dalawa, itinanggi ni Taylor na pinutol niya na ang komunikasyon nila ni Selena at sinabi pang ‘nakababatang kapatid’ ang turing niya sa kaibigan.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …