Sunday , November 24 2024

P120-M Shabu nasamsam sa 2 tsekwa (Nagsindi ng marijuana)

040914_FRONT
DAHIL sa paghitit ng marijuana, dalawang Chinese nationals na may dalang tinatayang P120 milyon halaga ng shabu ang nasakote ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa Binondo, Maynila,  iniulat kahapon.

Nakapiit na sa MPD-PS 11 ang mga suspek na kinilalang sina John Chua Sy, ng Valenzuela City at Anthony Ang Chiu, 42, ng 195 P. Sevilla St., Caloocan City, na sasampahan ng paglabag sa section 12 at 15 ng Republic Act 9165.

Sa ulat na isinumite kay Supt. Raymund Ligueden ng MPD-PS 11, dakong 5:30 a.m. naaresto ang dalawang suspek  sa tapat ng City Place Square Tower, Binondo.

Isang hindi nagpakilalang impormante ang nagturo  sa dalawang Chinese national na gumagamit ng marijuana kaya agad nagresponde ang mga pulis.

Nang makita agad nilang sinita ang mga suspek at doon nakita ang maleta.

Agad binuksan ang bitbit na maleta ng mga suspek kaya tumambad ang shabu sa maleta na hinihinalang mayroong street value na P120 milyon.

Nakompiska rin sa dalawang pitong stick ng marijuana.

ni leonard basilio

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *