Tuesday , December 24 2024

Obsession, malakas ang hatak sa viewers

ni  Letty G. Celi

BALE three or four weeks pa ang drama series na Obsession na bida ang poging actor-businessman na si Marvin Agustin. Ang Obsession ay isa sa TV show ng TV5 na malakas ang hatak sa home viewers kaya nang magkaroon kami ng ambushed interview kay Marvin sa Boqueria, SM Megamall Fashion Hall inurirat namin ang ukol sa mga negosyo niya.

Spanish ang lafang aat specialty ng said resto na nalaman naming isa sa maraming resto business ni Marvin at pang-siyam na pala iyon na nagkalat sa iba’t ibang lugar na may iba’t iba ring pagkain or specialty dahil iba-iba rin ang chefs nila.

Sa presscon ng Obsession, lahat ng pagkain, type kong lafangin pero ‘di pwede. Hinay lang dahil sa diabetes. Pero iba ang churz nila, kahit ayaw ko, grabe! Sarap!

Libo-libong mamamayan, dumaragsa sa Ang Kamay ni Hesus Healing Center

Salamat po, Rev. Fr. Joey Ayala Faller, ang healing priest na kaibigan namin at ibang movie press, dahil Holy Week na naman kaya inimbitahan kami, kasama sina Vero Samio, Nora Calderon, Ethel Ramos, Tess Ramos, Jay Cuenca, Lito Manago at mga kasama, ang Oasis of Love Music Ministry sa pangunguna nina Jungee, Suzette, Sister Linda at iba pa.

Si Fr. Joey ang parish priest at ang founder ng Ang Kamay ni Hesus Healing Center na nasa bundok ng Bgy. Tinamnan, Lucban, Quezon. Almost 10 years na ito simula nang itatag ni Fr. Faller na taon-taon nangungumbida ng mga vovie press specially ang Philippine Movie Press Club(PMPC).

Ang mga magulang niya ay manggagamot at ang kapatid din niya ay doctor. Gusto ng parents niya na mag-doktor siya ngunit nahilig si Fr. Joey sa basketbal hanggang sa mapagpasyahan na magpari. Ngayon daw ay libo-libong tao na ang dumarating araw-araw kaya plano ni Fr. Joey na magkaroon ng cable car na iikot sa buong kabundukan.

Kuh, pinaghahandaan ang paggawa ng indie movie

FIRST time sa loob ng napakahabang panahon na naging past president pa ng PMPC at ngayon ay adviser ng samahan ng mga manunulat ng buhay showbiz, pelikula man o telebisyon, music at entablado, never kong na-interview si Ms. Kuh Ledesma. Feeling ko kasi suplada at namimili ng movie reporter.

EH, kasi napaka-class ng kanyang dating. Sayang, paborito ko pa naman siyang singer. Pero parang unbelievable kasi nagkaroon ako ng chance na maka-chikahan ko si Ms. Kuh sa isang lunch sa isang colleagues sa isang Chinese resto sa Wilson St. Greenhills.

Mali! Hindi pala talaga totoo at chismis at hinala ko na suplada siya, talagang feeling ko lang talaga ‘yon. Ma-talkish pala siya at ang gusto ko sa kanya ay ‘yung pagiging maka-Diyos niya. Pero huwag nating kalimutan ang pagiging painter ni Ms. Kuh dahil highschool pa lamang daw siya nang matutong mag-paint. Pero huminto siya ng mag-aral ng Nursing sa Bacolod. Pero mas binigyang pansin niya ang pagiging diva sa larangan ng musika na rito siya sumikat.

Back to painting siya na nagkaroon ng exhibit kahapon si Ms. Kuh sa Whitespace Makati na pinamagatang The Beauty of Purpose na ang kikitain ay gagamitin sa paggawa ng indie movie entitled Hilom. Dito malalaman kung ano ang panganib na maniwala sa mga abularyo o quack doctors.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *