ni Alex Brosas
UNTI-UNTI na yatang inaamin ni Kris Aquino na sila na nga ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Kasi naman, parang ipinaaalam na niya sa publiko ang closeness nila ni Bistek. Nag-post ng Instagram photo si Kris recently with “family dinner” as the short caption.
Pero ang nakakaloka, kasama sa family dinner ng Aquino family si Mayor Herbert. He was seated sa kabisera, ang pinaka-importanteng seat sa dining table.
Kris was with her family, her brother President Noynoy Aquino and sisters plus Bimby at Josh.
Take note, si Bistek ang nakaupo sa kabisera at hindi si PNoy, ha.
With the Instagram photo ay marami ang nag-isip na magdyowa na nga sina Kris at Mayor Herbert. Some fans feel na true nga ang chikang may relasyon ang dalawa.
Ang Instagram photo ba ay pag-amin na ni Kris na dyowa na niya si Bistek?