Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kano grabe sa tarak

KRITIKAL ang kalagayan  ng isang American national nang pagsasaksakin ng kaanak ng kanyang kinakasama, sa Taguig City kamakalawa ng gabi .

Inoobserbahan ng mga doctor sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang kinilalang si Mark Benger, 61, sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ayon sa ulat, ang biktima ay tubong Florida, USA na pansamantalang nanunuluyan sa  61 Faculty St., Barangay Sta. Ana.

Naaresto ng mga nag-respondeng tauhan ng Ususan Police Community Precinct (PCP) ang isa sa mga suspek na si Rolando Orquita,  habang nakatakas ang apat niyang kasama na ang isa ay kinilala sa pangalang Eddie Oray.

Sa ulat nina SPOs1 Dennis Matriano at Rodelio Lopez ng Homicide Section ng Ta-guig police, inimbitahan ng mga kaanak ng kinakasama ang dayuhan na nag-iinuman sa bangketa ng Faculty Street.

Nang matapos ang inuman dakong 10:45p.m., nagkaroon ng pagtatalo ang dayuhan at ang suspek na nauwi sa suntukan na walang umawat sa dalawa.

Dagdag sa ulat, habang nagpapambuno ang dalawa, bumunot ng patalim si Orquita at inundayan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …