Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iwa, binago ang buhay nang maging isang ina

ni  Alex Brosas

SI Iwa Moto ang ang bibida sa Cornered by Cristy segment ni Tita Cristy Fermin sa Showbiz Police, 4:00 p.m., sa TV5.

Mother na si Iwa kaya naman she will share some part of her life about motherhood, kung paano siya binago ng kanyang pagiging ina sa anak nila ni Pampi Lacson.

Hindi rin maiiwasan na itanong sa kanya si Jodi Santamaria. True kayang tapos na ang kanilang away, na nagbabatian na sila ngayon at everything is cool between them?

Hindi rin makakawala sa panayam ni Tita Cristy ang chika ng isang ex-boyfriend ni Iwa na nagsabing champion magmahal ang Fil-Japanese actress dahil sobra itong mag-alaga at maasikaso sa kanyang karelasyon. Buhay-hari nga raw ang sinumang makakarelasyon ni Iwa dahil labis-labis niya kung ito ay paglingkuran.

Siyempre, tatalakayin din ni Tita Cristy ang biyenan ni Iwa na si Sen. Panfilo Lacson. Paano ba maging father-in-law ang very principled senator? Nakakakuwentuhan ba niya ito? Istrikto ba ito sa bahay?

Marami pang kuwento ang ihahain ni Iwa sa Cornered by Cristy kaya abangan ito sa TV5 ngayong hapon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …