Friday , January 10 2025

Italian envoy walang immunity (Sa child abuse raps)

HINDI maaaring igiit ni Italian ambassador to Turkmenistan Daniele Bosio ang kanyang “diplomatic immunity” sa kinakaharap na kasong child exploitation sa Filipinas.

Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, hindi nakatalaga sa Filipinas ang opisyal kaya’t hindi niya maaaring magamit ang “safe passage and protection”  na  itinatakda ng Vienna Convention on Diplomatic Relations para sa foreign diplomat.

Kasalukuyang nakadetine si Bosio habang sumasailalim sa preliminary investigation.

Una rito, inihayag ni Laguna-PNP director Col. Romulo Sapitula, inireklamo ng non-governmental organization (NGO) si Bosio habang kasama ang tatlong menor de edad na lalaki sa isang resort.

Nasagip sa operas-yon ng mga awtoridad ang mga biktima na may edad edad 9, 10 at 12 na pawang taga-Maynila.

Tiniyak ni Sapitula na walang special treatment na ibinibigay sa opisyal.

(LANI CUNANAN)

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation PRC FEAT

SM Foundation, PRC Qc Chapter join hands to establish clinical laboratory

PRC QC Chapter Gov. Ernesto S. Isla, SMFI Executive Director for Health & Medical Programs …

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *