Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne Curtis ‘inilaglag’ ng kapatid na si Jasmine?

ni  Ed de Leon

 

PARA namang inilaglag ni Jasmine Curtis ang kanyang kapatid na si Anne, na ang “press release” pa naman bago nakagat ng dikya ay hinarap si Sam Concepcion dahil sa pagtatanggol sa kanya. Noong pagkakataon na ni Jasmine na humarap sa media, tumanggi siyang magsalita tungkol sa controversy, pero sinabi niyang okey sila ng kanyang boyfriend na si Sam Concepcion. Kung iintindihin mong mabuti, parang sinabi niyang walang problema kay Sam. Eh sino ang may problema?

Siguro nga ang pinaka-magandang statement na magagawa niya ay sabihin niyang wala namang nangyaring ganoon. O kaya sabihin man lang niya na nagkaroon lang ng misunderstandings pero maayos na ang lahat. Pero sa halip na ganoon, ang statement nga niya ay ayaw na niyang magsalita, meaning alam niya na talagang “nagkaroon ng problema”. At nang dugtungan pa niya iyon ng “ok kami ni Sam”, parang sinabi niya na wala namang problema talaga sa boyfriend niya. Paano na ang mga statement naman ng iba na ipinagtatanggol lang siya ng kapatid niya kaya nangyari ang ganoon? Hindi nga ba quoted pa si Anne na nagtatanong kay Sam, “bakit mo niloloko ang kapatid ko?”

Lumalabas na ang ginawa ni Anne ay “tamang hinala” lang pala.

Mabuti na nga lang nakagat ng dikya si Anne, at iyon ang naging escape niya roon sa nakasisirang issue na iyon. This time, hindi naging maganda ang kanilang damage control dahil hindi rin nagsalita si Sam para sabihing walang nangyari. Noong una napagsalita nila si Phomela Barranda na okey lang naman ang nangyari sa kanila. Pero this time nanahimik si Sam. Tapos ngayon nasundan pa ng statement ng kapatid niya mismong si Jasmine na “okey si Sam”.

Mukhang hindi maganda ang coordination ng kanilang damage control ngayon. Kung iisipin, iniligtas pa si Anne ng dikya. At least naiba ang issue dahil sa dikya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …