CAGAYAN DE ORO CITY – Magsasagawa nang malalimang imbestigasyon ang pamunuang bayan ng Balingasag ng Misamis Oriental makaraan ang napaulat na malawakang red tide sa kanilang palaisdaan.
Ayon sa ulat, umaabot sa 300 toneladang bangus ang tinamaan ng red tide sa mariculture park na pagmamay-ari ng pamahalaang bayan.
Inihayag ni Balingasag information officer Aljun Fermo, pupuntahan nila ang lugar upang personal na alamin ang lawak ng pinsala sa palaisdaan.
Hindi raw muna sila magbibigay ng komento habang wala pang isinumiteng report ang kanilang municipal official mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
(BETH JULIAN)