Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trike driver na karnaper timbog sa huling biktima

SWAK sa kulungan ang isang tricycle driver na  notoryus   karnaper, nang masundan ng kanyang pinakahuling biktima sa pinagdadalhan ng mga nakaw na motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon .

Kinilala ang suspek na si Elmer Constantino, 26-anyos, tubong Samar,  ng Phase 1, Package 2, Block 8, Lot 9, Brgy. 176, Bagong Silang.

Sasampahan ng paglabag sa Republic Act 6539 (Anti-Carnapping Act of 1979), illegal possession of firearms at  pag-ii-ngat ng video karera machine.

Sa ulat ni Chief Insp. Avelino Protacio II, hepe ng Special Reaction Unit (SRU) North Caloocan, dakong 1:00 p.m.  kamaka-lawa, muling umatake ang suspek sa Phase 3, Brgy. 176.

Kapaparada lamang ng biktimang si Alexander Alfaro, 18, ng kanyang Mio Sporty (6110-RU) sa lugar, nang lapitan ng suspek sakay ng motorsiklo na minamaneho ng isang alyas Gilbert, sabay tutok ng baril sa biktima.

Dahil sa takot, walang nagawa si Alfaro kundi ibigay ang susi ng kanyang motorsiklo na agad minaneho ni Constantino.

Hindi nawalan ng loob si Alfaro kaya sinundan niya ang suspek.

Nang malaman kung saan nagtungo, mabilis na humingi ng tulong sa mga barangay tanod na sina Edward Singson at Jack Balayo saka tinungo ang lugar.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …