Friday , November 15 2024

Romero reyna sa Nat’l Chess Open

SUMAPAT ang draw para kay Gladys Hazelle Romero sa ninth at final round upang siguruhin ang pagkopo sa titulo sa katatapos na 2014 National Chess Championships Women’s division sa Philippine Sports Commission (PSC) Athletes Dining Hall ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Nakalikom ng 7.5 points ang No. 10 seed Romero (elo 1905) mula sa six wins at three draws sapat para makopo ang kampeonato sa event na ipinatutupad ang nine rounds swiss system.

Sa 35 moves ng French nagkasundo ng draw sina Romero at No. 2 ranked Enrica Villa (elo 1974).

Bago sumalang sa last round si Romero, kinaldag nito sa eight at penultimate round si Gladys Atienza (elo 1852).

Mag-isa sa segundo puwesto si Lucelle Bermundo (elo 1934) hawak ang 7.0 points habang si top seed Arvie Lozano (elo 1984) ay kasalo sa 3rd to fifth place bitbit ang 6.5 points.

Pinisak ni Bermundo si Arvie Lozano sa round eight.

Samantala sa boys division, naniguro rin si Prince Mark Aquino na maiuuwi nito ang titulo kaya pagkatapos ng 39 sulungan ng Queen’s Indian defense ay nakipaghatian na ito ng puntos kay Jerome Villanueva.

Ayon kay Aquino, gustong-gusto nitong makapaglaro para sa national team kaya bigay-todo ang kanyang paghahanda upang makuha ang titulo.

“Masaya ako kasi nagbunga ‘yung pagpupuyat ko gabi-gabi,” saad ng 19-anyos at tubong Pangasinan na si Aquino.

Tumanggap si Aquino ng P7,000 cash na inabot nina tournament chief arbiter International Master Yves Rañola, deputy chief arbiter Lito Abril at arbiters Patrick Lee, Alex Dinoy, Jesus Bitantes, Noel Morales at Ilann Perez.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About hataw tabloid

Check Also

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *