Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Parks lalaro na sa NLEX

INAASAHANG lalaro na sa North Luzon Expressway ngayong linggong ito si Bobby Ray Parks para makatulong ang kampanya nito sa PBA D League Foundation Cup.

Sinabi ng team manager ng Road Warriors na si Ronald Dulatre na limang mga manlalaro ng koponan, kasama si coach Boyet Fernandez, ay nasa Lithuania ngayon para sa training camp ng San Beda bilang paghahanda nito para sa NCAA Season 90.

“Actually, anytime he can play with us already. He is finalizing his school commitments. We want him to join practice para fair din naman sa iba,” wika ni Dulatre. “I’m confident na he can play na this month.”

May tatlong panalo at wala pang talo ang NLEX ngayong torneo.

Plano rin ng NLEX na dalhin si Parks sa PBA bilang direct-hire recruit kung papayagan nitong makapasok sa liga bilang expansion team.

Malalaman na sa Huwebes, Abril 10, ang magiging tadhana ng NLEX, Blackwater at Kia Motors na parehong haharap sa PBA board of governors sa espesyal na pulong nito.

(JAMES TY III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …