MATINDI ang motibasyon ni Manny Pacquiao para talunin si Timothy Bradley sa magiging laban nila sa Abril 12 (Abril 13 sa Pinas) sa MGM Grand sa Las Vegas.
Una’y para maipaghiganti ang naging pagkatalo niya kay Bradley sa una nilang paghaharap na kung saan ay naging kontrobersiya ang split decision pabor sa Kanong boksingero.
“I’m not angry after the decision,” pahayag ni Pacquiao sa naging verdict sa unang laban nila ni Bradley sa kamakailan lang na conference call. “The officials did their best, and no one is perfect in this world, and sometimes they make mistakes. It’s part of boxing. I wasn’t really bothered after the fight.”
Ang ikalawang motibasyon ni Pacman ay ang misyon nitong pagbabalik sa pedestal ng boksing para muling makaharap si Juan Manuel Marquez na siyang nagbigay sa kanya ng kahiya-hiyang knockout na pagkatalo noong June 2012.
Ang motibasyon ni Manny ay uminit nang makapagrehistro siya ng malaking panalo kontra kay Brandon Rios noong Nobyembre 2013.
Kinontra naman ni Bradley ang pananaw ng mga kritiko tungkol sa motibasyon ni Pacquiao para sa kongklusyon na nagbabalik na nga si Pacquiao sa limelight. Ayon sa kanya, wala na ang dating bagsik ng kamao ni Pacquiao na ipinakita niya kontra kina Oscar De La Hoya, Ricky Hatton at Miguel Cotto.
Sinabi pa ni Bradley na tatalunin niya si Pacquiao via knockout para idiin sa lahat na siya ang tunay na nanalo sa una nilang paghaharap.
Sa mga sinabi ni Bradley, may huling babala si Pacman…
“The more he says it, the more it inspires me to show the hunger and the killer instinct he is talking about,” pahayag ni Pacquiao. “I am not angry or disappointed about what he says to me, but I’m happy that he has told me that because it inspires me to train hard and to focus in the gym on my game plan and focus on the fight. It is a benefit for me.”