PATAY ang isang obrero nang saksakin ng kanyang kasugal na nabisto niyang doble kara ang baryang ginagamit sa cara y cruz sa Caloocan City, kamakalawa.
Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang si Lindo Asio, obrero, ng 105 2nd St., 3rd Avenue, Brgy. 118, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Pinaghahanap ang tumakas na suspek na kinilalang si Sonny Sapinoso, nasa hustong gulang, ng BMBA Compound, Brgy. 120, ng nasabing lungsod.
Sa ulat ni PO2 Michael Olpindo, may hawak ng kaso, dakong 2:20 p.m. kamakalawa nang maganap ang insidente sa BMBA Compound.
Nabatid na kasugal ng biktima at ng kanyang kuya ang suspek sa cara y cruz nang mapansin ng na dinardaya sila ni Sapinoso nang mapansin na parehong tao ang kanyang ginagamit na pang-kara.
Dito sinita ng biktima at ng kanyang kuya ang suspek na nauwi sa pagtatalo hanggang pagtulungang suntukin ng magkapatid si Sapinoso na napilitang tumakbo pauwi.
Ilang minuto ang lumipas, bumalik ang suspek dala ang isang kitchen knife at nang makasalubong ang nakababatang Asio ay agad pinagsasaksak hanggang mamatay.
(rommel sales)