SABI nga ng matatandang aficionado, huwag bwisitin ang laro.
Kaya nga marami raw boxing aficionado ang nabubwisit ngayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner KIM HENARES, dahil hindi pa man ay tinatarahan na ang buwis na dapat umanong bayaran ni Pinoy boxing champ Manny Pacquiao sa rematch niya kay Timothy Ray “Tim” Bradley, Jr.
Hindi ba dapat, bilang Filipino, ay nag-wish muna si Madam KIM na sana ay muling manalo si PACMAN sa kanyang laban kay Bradley?!
Pagkatapos ng laban ‘e saka niya sabihan na, “O Mr. Pacquiao, ihanda mo na ang ibabayad mong buwis.”
Ito naman si Madam, napaka-adelantado pagdating kay Manny Pacquiao.
Mas marami kayong masusudsod na tax evader sa mga Casino. ‘Yun ang trabahuin ninyo Madam. Lalo na d’yan sa Solaire at sa Resorts World.
Huwag masyadong mainit kay Pacman na nagbabayad naman ng buwis.
Doon kayo mag-init sa mga mahilig ‘pumuslit.’
ANG DESPALINGHADONG K-9 DOG NG SOLAIRE CASINO HOTEL AT ANG WALANG MODONG PARAÑAQUE CITY POLICE
TILA isang nakabubuwisit na ‘KOMEDYA’ ang nangyari sa Solaire Casino Hotel nitong Sabado ng gabi.
Mayroong guest na nag-check out sa hotel.
As usual, bilang bahagi ng kanilang security measures and SOP, ipinaamoy sa K-9 dog ang luggage ng nag-check-out na guest. (Baligtad yata dapat pag-check-in ipinaaamoy sa K-9 dog ‘di ba!?)
Pagkatapos amuyin ‘e inupuan umano ng K-9 ang luggage. Ang ibig sabihin umano ay may ‘problema’ sa loob ng luggage.
Sa madaling salita, tinawagan ng Solaire aso ‘este’ security ang guest at pinababa para buksan niya ang kanyang luggage.
Pero nagulat ang guest dahil pagbaba niya ay mayroon nang dalawang pulis mula sa Parañaque PCP 13 na nag-aabang sa kanya.
Nang buksan ang luggage, walang ano mang ‘problema’ na nakita ang Solaire management at ang dalawang pulis.
Ang dalawang tulis ‘este’ pulis ay kinilala sa kanilang nameplate na sina RODRIGUEZ at TULUAN.
Ang nakita nilang laman ng luggage ay ‘yung ilang alahas ng guest.
‘Eto na, nang walang makitang ano man, e bigla ba namang pinitikan (piniktyuran) ng kanilang mga cellphone ‘yung guest para kuhaan ng retrato.
‘E di nagulat at sinita sila no’ng guest kung bakit siya kinukuhaan ng retrato.
Ang sagot ng dalawang ‘tolonges’ na lespu ‘e for record purposes lang daw.
Sonabagan!!!
Ano ba ‘yang mga pulis mo Parañaque PNP Chief S/Supt. ARIEL ANDRADE, wala ba silang good manners and right conduct (GMRC)!?
Hindi naman suspect ‘yung guest ng hotel ‘e bigla nilang pinagkukuhaan ng retrato!?
Hindi ba malinaw na harassment iyon lalo na nga’t babae ‘yung guest?!
What the F**#!
Hindi yata nakaiintindi ng batas ang mga pulis mo d’yan sa PCP 13, Kernel Andrade … pwede bang ipadala mo muna ‘yang mga ‘yan sa Bicutan o kaya sa Fort Sto. Domingo o kaya naman ‘e doon na Mindanao, para mag-aral muna ng tamang asal?!
I-destierro mo na ‘yang sina Rodriguez at Tuluan!
OJT SCAM SA NAIA, NABULGAR
NANINIWALA tayo na ano mang araw sa linggong ito ay lalabas na ang resulta ng imbestigasyon na iniutos ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Jose Angel “Bodet” Honrado laban sa isang manning agency na umano’y nanloloko ng mga estudyante para makapag-on-the-job training (OJT) sa premier airport ng bansa.
Ayon kay MIAA GM Honrado, inatasan niya ang airport police na imbestigahan ang umano’y pangingikil ng P7,000 hanggang P15,000 sa mga estudyanteng nais mag-OJT sa NAIA.
Aniya ang mga estudyante ay mayroong rekesitos sa kanilang paaralan na sumailalim sa OJT sa loob ng 200 hanggang 600 oras sa alinmang airline company sa NAIA.
At d’yan pumasok sa utak ng mga ‘walanghiya’ na pagkakwartahan ang mga estudyanteng ‘kapit sa patalim.’
Karamihan sa mga estudyanteng na-o-OJT ay nasa kanilang third o fourth year sa college. Bukod sa thesis, isa sa major requirements ang OJT para sila maka-graduate. Kumbaga nasa sitwasyon sila na ‘kapit sa patalim.’ Lahat ay gagawin para lang maka-graduate.
Mabuti na lamang at natuklasan ito ng administrasyon ni MIAA GM Bodet Honrado. Malamang, matagal nang nangyayari ito hanggang maging talamak na nga.
Habang isinasagawa ang imbestigasyon, iniutos ni GM Honrado ang pagpapatigil sa deployment ng 200 estudyante para sa summer OJT.
Ani GM Honrado, inihahanda na ng airport authorities ang mga kaso laban sa mga may pakana ng nasabing panloloko upang matigil na ang pambibiktima sa mga inosenteng estudyante.
“Yes, we accept student trainees but they do not need to pay a single centavo,” diin pa ni Honrado.
Nasudsod ng mga tauhan ni Honrado ang nasabing panloloko sa isang manning agency sa Ermita, Maynila.
Kinompirma ng mga estudyante na sila ay nagbabayad ng P7,000 hanggang P15,000 depende sa haba ng oras na kailangan nila sa kanilang OJT.
Karamihan umano ng mga nabibiktimang mga estudyante ay mula sa Visayas at Mindanao.
Binubusisi na rin ni GM Honrado ang posibilidad na mayroong nakikipagsabwatan sa airport human resources department sa nasabing pribadong kompanya.
Another bad scheme in the Airport, bites the dust.
Kudos, GM Honrado!
MAG-INGAT SA ISANG DANNY YORAC NA NAGPAPAKILALANG TAGA-HATAW
KAHAPON po ay isang sumbong ang nakarating nsa atin na isang DANNY YORAC daw ang naglilibot sa District 5 ng Maynila.
Ang DANNY YORAC na ‘yan ay nagpapakilala umanong taga-HATAW at nanghihingi sa mga barangay chairman.
Isa sa kanyang pilit na hinihingan ay kakilala natin Chairman.
Gusto ko pong LINAWIN na wala kaming tao (sa Hataw) na ang pangalan ay DANNY YORAC.
At lalong hindi po namin kinokonsinti ang mga ‘panghihingi’ o ‘pangingikil’ nila.
Kung muli pong iikot ‘yan sa inyong lugar ‘e iminumungkahi ko pong bugbugin ‘este’ ipahuli ninyo sa mga awtoridad.
Uulitin ko po, MAG-INGAT sa isang DANNY YORAC.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com