Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kantang Binibini, binaboy daw ni Daniel?

ni  Roldan Castro

PINAG-UUSAPAN sa social   media ang worst performance ni Daniel Padilla sa ASAP 19 noong Sunday. Hindi raw niya nabigyan ng justice at magandang version ng kantang Binibini.

Kung napanood lang ito ng Rainmakers (original na kumanta ng Binibini) baka hindi nila ma-take ang version ni Daniel na parang binaboy ang kanta, huh?!

Tiyak, hindi napansin ng fans kung ano ang tono ni Daniel dahil puro hiyawan, tilian ang maririnig. Sapat na sa kanila ang kiligin kaysa mapakinggan ang boses ni DJ. Kumbaga, Daniel Padilla is Daniel Padilla. Bibigyan siya talaga ng exposure  at pakakantahin dahil pinakasikat siyang teen actor ngayon kesehodang magkalat ito.

May nagtanong nga sa Facebook kung ganoon ba talaga ang tono ng sarili niyang version o wala talaga siyang tinamaang kahit anong nota? Pag mataas na ‘yung tono, itatapat niya sa audience ang mic. Nasa tono naman ‘yung audience pero pagbalik kay Daniel, wala na naman.

Nasisira kaya ‘yung mic ‘pag hawak na ni Daniel? Ha!ha!ha!

Sana lang, hindi ganito ang mapanood kay Daniel sa kanyang big concert na ewan namin kung saan at kailan dahil hindi kami na-inform.

‘Di ba Aaron Domingo?

Anak nina Marlon at Gigi, nandaya sa Biggest Loser

NAKAKALOKA ang nangyayari  sa pamilya Bautista. Pinag-uusapan ngayon ang kasong pandarambong na haharapin ni Senator Bong Revilla  dahil sa pagkakasangkot niya umano sa P10-b pork barrel scam.

Isa pang dagok ng pamilya Bautista ay ang pandaraya umano ng pamangkin niyang si Cathy (anak nina Marlon Bautista at Gigi Dela Riva) kaya nag-voluntary exit sa The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles. Aminado silang nagdala ng junkfood at chocolates. Umamin din sa pagamit ng slimming tea para mabawasan ang kanilang timbang  na ipinagbabawal sa loob ng camp.

Pinaiiral kasi sa Biggest Loser ay tamang nutrisyon, ehersisyo , at pagpapahalaga sa kani-kanilang kalusugan.

“Nadi-disappoint ako and I know I’ve disappointed a lot of people—my parents, ang BL (‘Biggest Loser’), the coaches, the contestants, and everyone who believed in me…from the beginning until the end, even Ate Pat, I disappointed her,” bulalas ni Cathy.

Sayang ang ipinamalas ng Showbiz Royalties sa BG. Hinangaan pa naman namin si Cathy na naranasan niya ang mga challenges  sa Biggest Loser at hirap ng buhay sa palaisdaan  na never niyang naranasan sa totoong buhay.

Pero sa isang pagkakamali, nabalewala ang lahat.

Sayang!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …