Friday , November 15 2024

Italian envoy arestado sa child trafficking

040814_FRONT
LAGUNA – Sinampahan ng kasong child trafficking ang 46-anyos Italian Turkmenistan Ambassador ng pamunuan ng Bantay Tuluyan Foundation sa Biñan City PNP kamakalawa ng gabi.

Sa isinumiteng report ni Supt. Noel Alinio, hepe ng pulisya, kay Laguna PNP Provincial director,  Senior Supt. Romulo Sapitula, kinilala ang suspek na si Daniele Bosio, Ministry of Foreign Affairs Turkmenistan 1st Councilor, pansamantalang naninirahan sa 30B Tower 1, Orchard Road, Eastwood City, Manila.

Sa imbestigasyon, dakong 8 p.m. nang magtungo sa himpilan ng pulisya ang pamunuan ng Bantay Tuluyan Foundation na sina Catherine Scerri at Lily Flordelis kaugnay ng paghahain ng kaso laban kay Bosio.

Sinasabing mula sa lungsod ng Maynila, tinangay ng suspek patungo ng Splash Island Resort sa lalawigan ng Laguna ang tatlong batang lalaki na may edad 9, 10, 12, anyos na hinihinalang magkakasunod na inabuso lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 ang Italian envoy.

Samantala, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Italian government sa pamahalaan ng Filipinas kaugnay sa pagkakaaresto kay Daniele Bosio. Ayon sa report, nagbabakasyon sa bansa ang Italian  diplomat  nang arestohin ng local authorities dahil sa kasong child exploitation.

Kaugnay nito, beni-beripika na ng Department of Foreign Affairs ang nasabing report.

ni BOY PALATINO

About hataw tabloid

Check Also

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *