Monday , December 23 2024

Face off kay Rychtar hamon ni Vitangcol (Sa $30-M extortion try)

HINAMON ni MRT General Manager Al Vitangcol III si Czech Ambassador to the Philippines Josef Rychtar na maghain ng kaso sa korte kaugnay ng akusasyong nangikil siya ng $30 million para ibigay sa isang Czech company ang kontrata sa pagbili ng mga bagong bagon ng MRT III.

Kasabay ng pagdinig ng Senate committe on finance, tahasang sinabi ni Vitangcol na handa ni-yang harapin sa korte ang mga akusasyon ni Rychtar upang patunayan na wala itong katotoha-nan.

Wala rin aniyang katotohanan  ang pagbu-bunyag ni Rychtar na personal silang nagpulong sa mismong bahay ng ambassador kasama ang iba pang opisyal ng gobyerno.

Binigyang-diin ni Vitangcol na natalo sa bidding ang Czech company na Inekon Group dahil mahal ang kanilang pres-yo na umaabot ng $3.3 milyon bawat bagon, habang ang nanalong Chinese company na CNR Dalian Locomotive & Rolling Stock ay nasa $1.8 milyon lamang ang presyo ng bawat bagon.

Iginiit ni Vitangcol, dumaan sa tamang pro-seso ang pagbili ng mga bagong bagon ng MRT sa pamamagitan ng bidding.          (C. MARTIN)

MAY BASEHAN O WALA  ALEGASYON NG CZECH  BALEWALA

HINDI na importante sa Malacañang kung may basehan man o wala ang alegasyon ng Czech ambassador na tangkang pangingikil ng $30-M ng MRT 3 officials sa isang Czech company dahil matatapos na ang termino niya sa bansa.

“I don’t know because I think his term is ending soon. I don’t know how long he will—his term of office as ambassador (is). But I think it’s less than—malapit na lang matapos yata. I don’t know how long but we can ask DFA,” ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa magiging aksyon ng pamahalaan sakaling nagsisinunangaling si Czech Ambassador Josepf Rychtar.

Si Rychtar ang nagbulgar sa tangkang pangingikil ni MRT 3 Gen. Manager Al Vitangcol sa Czech company na Inekon Trans para masungkit ang kontratang pagsu-supply ng mga bagong bagon sa MRT.

Ani Lacierda, patuloy ang imbestigasyon ng NBI sa nasabing kaso kaya dapat hintayin na lang ang magiging resulta nito.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *