Friday , January 10 2025

Energy employee 1 pa lasog sa tren

LASOG ang katawan ng isang empleyado ng Dapartment of Energy at isa pang lalaki nang masagasaan ng tren sa magkahiwalay na lugar sa Maynila, iniulat kahapon.

Ang unang biktima,  naputol ang magkabilang hita ay kinilalang si Ricardo Balanque, walang trabaho, ng 1931 Macopa St., Kahilom 1, Pandacan, habang ang ikalawa ay kinilalang si Jordan de Jesus, 21, empleyado ng Department of Energy (DoE), residente ng 960 Valdez St., Sampaloc.

Sa ulat ng pulisya, dakong 6:30 a.m., naglalakad si Balanque sa gilid ng riles nang mahagip ng rumaragasang tren sa bahagi ng riles ng PNR sa Pres. Quirino Ave., Pandacan.

Sa ikalawang insidente, dakong 8:30 a.m., naganap ang pagsalpok ng tren kay De Jesus malapit sa G. Tuazon, Sampaloc.

Nabatid na tumatawid si De Jesus sa riles ng tren  na  hindi nalaan para sa pedestrian nang mahagip ng magkasalubong na tren.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation PRC FEAT

SM Foundation, PRC Qc Chapter join hands to establish clinical laboratory

PRC QC Chapter Gov. Ernesto S. Isla, SMFI Executive Director for Health & Medical Programs …

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *