Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Definitely Great wagi sa PCSO

Nagwagi ang bagitong mananakbo na si Definitely Great ni Kelvin Abobo sa isang 3YO PCSO Special Maiden Race na nilargahan nung isang hapon sa pista ng Metro Turf sa Malvar, Batangas.

Sa largahan ay matulin na umarangkada si Cat’s Regal kasunod sina Think Again, Definitely Great, Misty Blue at Morning Time. Pagdating sa medya milya ay nasa harapan pa rin si Cat’s Regal, pero nagsimula nang maggalawan ang mga sakay nung apat na nasa likuran dahil baka makaporma iyong bandera.

Kaya pagtapat sa ultimo kuwarto ay nagkapanabayan na sa unahan, sabay biglang lusot sa gawing loob si Think Again at sabay na rin si Kelvin sa labas.

Pagsungaw sa rektahan ay nagpalitan sa harapan sina Think Again, Definitely Great at kumamot muli si Cat’s Regal. Subalit sa lakas ng ayuda ni Kelvin ay tinapos niya ang laban ng may dalawang kabayong agwat kay Cat’s Regal, pumangatlo si Think Again, pang-apat si Misty Blue at panglima si Morning Time.

Naorasan ang karerang iyan ng 1:10.6 (23’-21’-25’) para sa distansiyang 1,200 meters.

Fred L. Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …