Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Assets ng 3 senador binubusisi na ng AMLC

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa Department of Justice kaugnay sa “freeze order” laban sa mga ari-arian ng tatlong senador na idinarawit sa multi-billion peso pork barrel scandal.

Ayon sa ulat, kabilang sa hinihingi ng AMLC sa DoJ at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga dokumentong magpapatibay sa ihahaing asset preservation order laban kina Sen. Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

Una nang iginiit ni Justice Sec. Leila de Lima na marapat lamang mabawi ng gobyerno ang mga kuwestyonableng yaman ng mga akusado dahil bahagi ito ng kaban ng bayan.

“It is public funds, kaban ng bayan iyan, coffers ‘yan, national treasury ‘yan. So in the end, dapat i-recover ‘yan. That is part of the integral process of exacting justice in anti-corruption cases such as this, lalo na’t plunder,” ani De Lima.

Gayonman, nilinaw ng kalihim na kanilang ipinauubaya sa AMLC ang pagsagawa sa naturang hakbang.

Una rito, kinatigan ng Manila Regional Trial Court ang freeze order request ng AMLC laban sa mga co-accused ng tatlong mambabatas sa P10-billion PDAF scandal.

(LANI CUNANAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …