Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aksyon sa PBA magbabalik bukas

PAGKATAPOS ng PBA All-Star Weekend, balik-aksyon ang PBA Commissioner’s Cup bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Maghaharap ang San Mig Super Coffee at Air21 sa unang laro sa alas-5:45 ng hapon kung saan sisikapin ng Coffee Mixers na putulin ang kanilang dalawang sunod na pagkatalo.

May 3-2 panalo-talo ang tropa ni coach Tim Cone samantalang hawak ng Express ang 3-3 na kartada katabla ang Rain or Shine.

Nanalo ng tatlong sunod ang San Mig sa pagsisimula ng torneo ngunit dalawang beses nitong nasilat kontra Barako Bull at Talk ‘n Text.

Sa ikalawang laro sa alas-8 ng gabi ay tatangkain ng Tropang Texters na mapanatili ang malinis nitong karta sa labanan nito kontra Elasto Painters.

Wala pang talo sa loob ng pitong laro ang mga bata ni coach Norman Black na sigurado nang hawak ang top seed sa quarterfinals na kasama ang twice-to-beat advantage. (JAMES TY III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …