ni Dominic Rea
PAGKATAPOS ng kontrobersiyang kinasangkutan ni Vhong Navarro ay tuloy na tuloy pa rin ang kanyang karera sa showbiz. Heto nga’t ipalalabas na ang kanyang latest movie titled Da Possessed sa April 19 nationwide with the sexy Solen Heuseff.
Well, physically ay okey na okey na si Vhong but emotionally ayon pa sa sikat na komedyante, hindi niya pa rin daw masukat at mawari kung may nabawas o kulang sa kanyang pagkatao this time.
Pakiramdam niya raw kasi after what happened to him ay nawalan siya ng self-confidence na marami naman daw ang nagsabi sa kanyang ituloy niya lang ang nasimulan sa mundo ng showbiz at lilipas din ang kanyang nakaraan.
Hindi naman naging lingid sa atin ang kanyang pagkakamali at aminado naman ang aktor dito. Buti na lang at hindi siya na-possessed kay Solen while doing this comedy movie!
‘Yun na!