Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Team owners ng D League nagbantang umalis

ILANG mga team owners ng PBA D League ang naiinis na sa liga dahil hanggang ngayon ay wala pang TV coverage ang ginaganap na Foundation Cup.

Isang team owner na ayaw magpabanggit ng pangalan ang nagsabing siya ang mangunguna sa mga kapwa niyang team owners na kumalas sa liga at lumipat sa bagong ligang balak itatag ng beteranong coach na si Joe Lipa.

Pakay ni Lipa na ilunsad ang bagong liga sa Hulyo at ipalabas ang mga laro sa bagong sports channel ng ABS-CBN na Sports+Action Channel 23.

Ang bagong liga ni Lipa ay halos pareho sa Metropolitan Basketball Association at Liga Pilipinas na  parehong regional ang konsepto ngunit pareho ring nawala dahil sa sobrang laki ng gastos.

Samantala, sinabi ni PBA Media Bureau Chief Willie Marcial na inaayos na ng liga ang TV coverage ng D League.

“Nag-uusap kami ng Aksyon TV. We’re also talking to another station,” wika ni Marcial.

Isang source ang nagsabing ang Solar Sports ay may interes din na i-kober ang D League.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …