SA feng shui, batid nating ang scents ay very powerful, ang iba’t ibang scents ay maaaring gamitin sa iba’t ibang layunin. Maaaring mabago ang enerhiya sa banayad na paraan upang matamo ang hinahangad na resulta, dahil ang lahat ng bagay ay enerhiya.
*Makukulit ba ang mga bata? Mag-patak ng chamomile o lavender essential oils sa oil diffuser at panoorin ang unti-unting pagiging kalma ng mga bata. Hindi na kailangan pang paulit-ulit na sila ay sawayin, hayaan ang scents ang magpatahimik sa kanila.
*Kailangan pagpuyatan ang proyekto? Pumili ng rosemary, peppermint, eucalyptus o lemongrass essentials oils para sa home office upang manatiling gising habang tinatapos ang trabaho sa gabi.
*Int he mood for love? Ang ylang-ylang, sandalwood, rose at jasmine ay classical essential scents para sa sensual bedroom. Maaari ring gumamit ng vanilla, neroli, lavender o mag-eksperimento ng iba pang pure scents upang magising ang inyong senswalidad.
Lady Choi